Letrato, Larawan, Letrado

Binibini! Pakiusap! Wag ganon!
Baka matunaw ako na parang mamon,
Na sinawsaw sa mainit na barakong kape
Larawan mo, nakakangimay palagi

Mata pa lamang ako’y lupaypay na
Bagsak ng buhok mo’y parang talon ng Maria Cristina
Mala-rosas mong kutis mamula-mula
Sabayan pa ng ngiti, ayun! patay na!

Masisisi mo ba ako kung ako’y humanga?
Kung gumawa ako ng isa pang tula, ikagagalit mo ba?
Pansinin mo pa kaya ako pagtapos mo itong mabasa?
Eh Ikaw na maganda! ‘ika nga ng iba

Ito lang ha, medyo pakinggan mo.
Bigyan mo lang ako kahit konting panahon mo.
Baka akala mo kasi ako’y puro satsat
Baka akala mo ren ako’y walang binatbat

Ang sasabihin ko’y walang halong yabang
Puro totoo, walang maang-maangan
Walang kunyari lahat katotohanan
Walang bilugan ng ulo, walang bolahan

Alam mo bang madalas, ako’y nahihirapan?
Iniisip ko araw araw kung paano ka pakikitunguhan
Walang humpay na isip-isip at para-paraan
Para sa kaunting saglit, tayo’y magka-kwentuhan

Yung maliit na bagay sayo, sa akin malaki.
Alam mo ba kung gaano kahaba kapag ako’y ngumiti?
Lalu na kung tumutugon ka sa akin palagi
Pinagpapasalamat ko sa Diyos yun ng matindi.

Sa buhay, marami na akong pinag daanan
Namuhay mag isa, kung saan saan nanirahan
Naranasan ko nang magmahal ng lubusan
Ganun pa man, naranasan ko pa ren na ako’y iwan

Hiling ko’y wag mo sanang gawing basehan
ang hugis ng aking kalamnan at katawan
Di ibig sabihin na ako’y medyo bilugan
Eh hindi ako lalaban ng patibayan

Ipaglalaban kita, kahit san pa umabot
Ipagtatanggol kita, wala akong takot
Kahit san pa mapunta sasamahan kita lumibot
Iaahon kita kahit ako pa ang malunod

Pasasayahin kita sa oras na ika’y may topak
Kakalmahin kita kung magulo ang iyong utak
Sa mga tagumpay mo ako ang unang papalakpak
Kung may umaway sayo, makakatikim ng aking sapak

Tuwing gabi, alam mo ang aking panalangin?
Yun bang maisipan mo naman na ako ang kilalanin
Ito’y upang malaman mo rin kung san ako nanggagaling
Para hindi na rin asiwa ang tingin mo sa akin

Naku! Kailangan ata’y tigil-tigilan ko na ito
Palagi ko na lang kausap ang iyong letrato
Sana sa susunod ay magkita naman tayo
At sana pag nagkagayon mapahaba ang ating mga kwento

Pakilala: Ikalawang Yugto – Pareng Pangaral

Di malirip ang saya nuong aking nakita.
Yaong tula, nakapaskil sa dingding nya
Di nagtagal naka arok ng bagong ideya
Kaya hayun kinausap ko uli sya

Ang mali ko lang parang di ako nagisip
Kaya hayun! Sa dibdib ko’y parang may nanikip
Kanyang mga mata’y para bang may takip
Di man lang nagsalita, pagkatapos masilip

Aking tinutukoy, isang kakaibang mensahe
Aking isinulat na naman, hay naku dyahe.
Sa kahihiyan, ang mukha ko’y walang imahe
Di na sya tumugon, kakalungkot pare!

Wag ka kasing padalos-dalos ‘tol
Hindi sa lahat ng pagkakataon sayo ay uukol
Panalangin mo muna kasi maigi, bago ka pumukol
At nang sa pagkilos mo’y walang sanhing bukol

Papano na kaya yan ngayon?
Marami nang lumipas na panahon
Wala man lang kahit kaunting komunikasyon
Bigyan pa kaya nya ako ng isa pang pagkakataon?

Aba malay natin pare, bakit hindi?
Wala ka naman kamong intensyong bali
Wag ka lang kasing masyadong magmadali
Mabait naman sya di ba? Tama o Mali?

Tama pare. Akin ngang naaalala
Ang totoo nyan ay malambot ang puso nya
Nagpasalamat pa nga sya hindi ba?
Mana sa Ama, ang magandang prinsesa

Gumawa ka na lang ulit ng tulang makata
Isulat mo na sa papel, gamit ang makabagong pluma
Personal mong iabot at kalooba’y tibayan ha!
Kung malinis ang hangarin, di kailangang itago pa

Ang sabi mo gusto mo syang makilala.
Eh kung totoo nga yan, huwag kang panghinaan bata!
Yung mga tanong mo ay itigil mo muna
Hayaan mo syang maglahad ng kusa

Tama ka kuya, may aral ang iyong sinabi
Mabait nga sya at marunong umintindi
O diba? Binasa nya ‘to hanggang sa huli
Sana lang makita ko syang ngumiti.

Pakilala

Pang limang beses ko na itong sinimulan
Nag isip ako’t sumulat ngunit para bagang kulang
Kakarampot na salita’y di pa makayang maturan
Pano pa kaya kung harap-harapan?

Animo’y batang di makagawa ng takdang aralin
Sumulat, nag isip, ngunit kulang pa rin
Simple lang naman ang gusto kong sabihin
Diskarte ko sa pag sulat bitin na bitin

Pagpasensyahan mo na muna ako ha.
Kung hanggang ngayon di mo pa rin makuha
Kung bakit sumulat ako na ganito ang tema
Hiling ko na hanggang sa dulo’y basahin mo sana.

Batid ko na magkaiba tayo ng barkada.
Ang hilig mo kasi magturo dun sa mga bata.
Ako naman dun sa mahilig sa musika
Sa pagtugtog, ako’y kabanda

Di ko nga alam kung anong maiisip mo,
Ngayon nakatanggap ka ng liham na ganito
Maaaring isipin mo na ako’y wirdo
Baka nga ang isagot ko pa: “mismo!”

Mga dal’wang minuto ka na sigurong nagbabasa.
Salamat naman at umabot dito ang iyong mga mata
Ako naman, nagsusulat magta-tatlong oras na
Para saan ba kamo? Eto malapit na.

Eh hindi naman tayo madalas magkita.
Kung magkita naman ay pareho tayong abala
Gusto sana kitang lubos na makilala
Kulang talaga sa pagkakataon yata

Hayan nasabi ko na ang dapat kong sabihin.
Kung may tugon ka, maliit lang naman ang aking hiling
Liham mo’y gawing parang tula rin
Masaya ‘to kung interesado ka rin

Ang pagtugon naman ay hindi sapilitan
O sya sige, hanggang dito na lamang
Maaga pasok ko’t tulog ay kailangan
Ingat ka, paalam

:)

Bygones of The Old

There are times that we hold on to certain moments of our lives. It makes us want to relive our glory days. We want to have the body we had fifteen pounds ago. We’d like to shoot hoops how we shot back in high school. We’d like do as many push ups we’ve done in the past. We’d want to sing and dance like we used to. A lot of times we just want to be like a child again – carefree. On the other hand, we might be holding on to those mistakes we’ve done in the past. We probably have been too afraid to say “I love you” to a loved one before they passed away. We’ve probably hurt someone we didn’t mean to. Maybe we’ve done something that had a consequence that costed us too much. We’ve probably said too many hurtful words that we now regret saying. Whatever it is, whether glory days or shadow days here is what the Lord is telling us:

“Forget the former things; do not dwell on the past. See, I am doing a new thing! Now it springs up; do you not perceive it? I am making a way in the wilderness and streams in the wasteland.”
Isaiah 43:18-19
New International Version (NIV)

Pasasaan ba tayo?

Akala ko ikaw yung matagal dumating
Yun pala mali ang aking hinaing
Nauna ka na pala kung san tayo magkikita
Sana di pa huli, na-trapik lang, pasensya

Hilig ko magpatumpik tumpik
Dahil dyan sa batok ko may tumapik
Nag aantay ka daw, Ako’y pinagmadali
Ako’y tumakbo, halaga ay mga sandali

Anong petsa na, ako ay wala pa rin
Marami rami pa atang daan ang tatawirin
Ilang sako ng bigas pa ang isasaing
Pag naging kanin, marami pang kakainin

Nakita kita sa may malayong dako
Di kita pinansin, akala ko ibang tao
Naghanap hanap ako, sa malapit sa malayo
Lumibot, umikot, nagpahinga, medyo nahilo

Marami pala ang kamukha mo talaga
sa pananamit, sa tindig, sa porma
Ibang tao kinalabit ko, akala ko ikaw na
Paglingat sa akin ay, naku hindi pala

Maraming beses na ako’y nagtanong
“May nakita ba kayong babae Manong?”
“Ganto ang kanyang wangis, matangos ang ilong”
“Ay kanina pa sya nagiintay dun!” Sagot Nyang pabulong

Binibini, ikaw ba ang syang aking hinahanap?
Sagot mo ay ngiti, pagod ko’y na-agap
Pawisan pa ako ng akin kitang niyakap
Makulimlim kanina, ngayon wala nang ulap

Nilabas mo agad ang panyo at ang bimpo
Pawis ko’y pinunasan, sa likod at noo
May dala ka pang tubig, para sa uhaw ko
Tanong mo pa sa akin, “O, pasasaan ba tayo?”